Minsang sinabi ng Pantas.....

Minsang Sinabi ng Pantas Banner


Minsang sinabi ng Pantas.....

"Wala tayong higit na mabuting magagawa sa ating kapwa kundi ang pagsisikap nating ipalaganap ang kabutihan ng Dios..... Ang tunay na pagmamahal ay di nasusukat sa mga bagay ng laman kundi ang maihanda sila sa bagay na darating---sa paghuhukom."

"Time will go on..... But you can't go on with the time. That's why we must spend every single moment given by God in doing good works. Darating ang oras mauubusan tayo ng pagkakataon."

"Walang pinakaligtas na lugar sa mundo kundi ang sa pangangalaga ng kamay ng Dios."

"Ang pinaka-mabuting magagawa natin sa mundo ay ang purihin at pasalamatan and Dios na ating pinaglilingkuran."

"Huwag mong isaksak ang sarili mo sa HINDI DAPAT."

"Kahit wala tayong laman ng bulsa, laman ng tiyan.. mas mahalaga pa rin
na mayroon tayong pag-asa."

"Kung mahal mo ang katwiran, itatakwil mo ang iba bastat mapatunayan
lang ang pagmamahal mo sa katwiran. Gaya ni Kristo, maka-katwiran hindi
maka-kamag-anak."

"Let us not stop from doing good, doing the word of God. Wag na wag
tayong papaapekto sa mga pumipigil satin. Pag tumigil tayo, sinong talo?
Sinong natutuwa?"

"Gumawa ng kabutihan, gantihan man ng masama."

"Ang ating tungkulin ay maihahalintulad sa isang upuan. Kapag itoy ating iniwanan ay siguradong may ibang uupo dyan, at kung dumating ang oras na nais na natin itong balikan, maaaring hindi na pwede dahil may iba nang nagmamay-ari nito, kayat pagpahalagahan natin ito..... gumawa tayo habang may pagkakataon pa."

"You have to take your stand!"

"Ang mananampalataya hindi binabawi ang gawang mabuti."

"For us to be perfectly united, to be fruitfully one, we have to put on
Charity."

"Kautusan ng kalayaan ang tawag sa kautusan ni Kristo."

"We should be more than willing to work for the LORD until eternity."

"Ang naaawa sa kapatid, pinananahanan ng pag-ibig ng Dios."

"Sa lahat ang iyong gagawin, isipin mo ito, "Ang ginagawa ko bang ito ay
para sa buhay na walang hanggan, o para sa sariling kapakanan ko lang?""

"Ang aim natin sa grupo dapat HINDI LAMANG MAGPADAMI NG MIYEMBRO, kundi
PATIBAYIN DIN ANG PUNDASYON NG GRUPO."

"Kung mayroon tayong iisang layunin, isang objective magkakaisa tayo."

"FREE WILL ang isa sa pinakamabuting kaloob ng Dios sa tao na Kanyang
nilikha. Through it, we can make things worth appreciating to God."

"Consider the time that you have to spend in serving God. MAY
ACHIEVEMENT KA NA BA?"

"Sa mga magulang, habang pinag-aaral mo ang anak mo sa school, sabayan
mo ng pagtuturo ng aral ng Dios para hindi mapahiwalaypagsabayin mo!
Karunungan ng Dios at ng sanlibutan."

"Holiness is the patience of doing good."

"Alam ng Dios ang pinakamabuti para sa atin.. kung nakikita Niyang
ikasasama natin ang pagyaman, hindi nya iyong ipapahintulot. Isang
paraan din yun ng Dios upang makapanatili tayong mababa ang loob at
patuloy na tumawag sa Kanya."

"Kung kapatid ka sa Dios, mas mahalaga ang kapatid kaysa Pera o
Kayamanan"

"It is better not to start a work, than leave it undone."

"One of the hearts outlet is the mouth"

"Dont wish it was easier, wish you were better. Dont wish for less
problems,wish for more skills. Dont wish for less challenge, wish for
more wisdom. WAG NATING IPANALANGIN NA MABAWASAN ANG ATING PASAN,ANG
HINGIN NATIN AY TULUNGAN NYA TAYONG MAGPASAN"

"Huwag tayong tatanga-tanga sa pakikisama sa mga taga-Labas. Huwag tayo
madala sa kanilang mga masasamang gawa kundi tayo dapat ang makadala sa
kanila sa katwiran."

"Ang matuwid na hukom, marunong umunawa ng kapwa."

"Kung nakakagawa ka ng masama hanapin mo sa iyong budhi kung ITO BA
GINAGAWA MONG MAY KASAMAAN? Kung hindi, hwag ka mawawalan ng pag-asa,
hwag kang magpatalo sa kaaway lumapit ka sa mga kinauukulanHUWAG MONG
HAHATULAN ANG IYONG SARILI."

"Ang salita ng Dios na lagi nating naaalala, yun ang magiging tulong
natin sa tuwing napipighati tayo, nahihirapan"

"We should spend the most precious of our time for the Lord."

"Ang awa ng Dios hindi nauubos para sa Kanyang mga anak, pero hwag naman
nating aabusuhin."

"It is not within our means na kumain ng masarap kung may mga kapatid na
di kumakain ng halos tatlong beses sa isang araw INJUSTICE YAN!"

"Hindi lalaki ang mga taong nagsusuko ng kanilang tungkulin sa Dios
dahil lang sa pag-aasawa, sa mahal sa buhay. Bakit? E temporal lang
lahat yan e."

"Anong magagawa satin ng kaaway na ikasasama natin.. Dios ang bahala!"

"Sa pagluwat mo sa Iglesia ng Dios, dapat IT COUNTS! Dapat, aalalay ka
na sa mga bago, dapat magtuturo ka na sa kanila, hindi yung hanggang
ngayon ay ikaw pa rin ang inaalalayan!"

"Kung ang asawa mo, ihihiwalay ka kay Kristo wag kang papayag SAYANG ANG
PAGKALALAKI MO!"

"Mapanatag ka sa pagkatawag sa iyo."

"Everything in this world will remind us of God, even every drop of a
leaf from its stem will remind us of His glory."

"Ang may pag-ibig, hindi natitisod, UMUUNAWA."

"Ano man ang gawin mo, you will be held liable to it."

"Hindi nyo ba naiisip kung gaano tayo ka-swerte? Mas malalim ang
pagkakaintindi natin sa mga talata ng Biblia kaysa sa ibang relihiyon."

"Kung ang kapatid ay may kasamang Dios, hindi hadlang ang kahirapan,
gagawa at gagawa ng paraan upang makapagtagumpay."

"Hindi lahat ng pag-ibig mabuti, may pag-ibig na ikapapahamak."

"Ang mabuti ay isang gawaing inumpisahan, pinagplanuhan, pinanukala at
tinapos"

"Ang may pag-ibig sa kapatid, nag-iisip ng paraan para maalis at
mapangatwiranan ang mga masamang nakikita o naiiisip sa kapatid, hindi
basta-basta nalang sumasama ang loob."

"Ang Dios, kung magbigay, sakdal. Dapat din sakdal ang paggawa ng mga
lingkod."

"Laging ang totoo ang dapat na pamantayan at guia natin sa buhay."

"Alam mo na ngang talo ang masama sa huli, yan pa rin ang pipiliin mo?!
Bakit ka lalagay sa hanay ng talunan? Alam mo namang magtatagumpay ang
mabuti sa huli. Kung matalino ka, papanig ka sa side ng magtatagumpay!"

"Ang lingkod ng Dios ay laging may kasama, hindi na maiiwasan yon."

"Mahirap man tayo, maswerte pa rin dahil nasumpungan natin ang lingap ng
Dios.. kasama ka sa mga napili Niya. Sapat na dahilan na yan para
magpasalamat tayo sa Dios. Huwag lang mawawala sa ating ang pag-asa ng
gaya ng pag-asa na kay Lazaro. Mahirap man ang buhay dito sa mundo,
magkakaroon din naman ng kaginhawahan sa buhay na darating. YAN ANG
HUSTISYA NG DIOS! Walang pinipili kahit sino Ang ipinagkait sa atin sa
mundong ito ng mga makapangyarihan, mayayaman gagantihin sa atin ng Dios
balang araw."

"The perfect law of faith is liberty. Di tayo pinipilit."

"Sa pagtitiis natin, nagiging kabahagi tayo sa hirap ni Hesus."

"LET US KNOW OUR STAND AS A CHRISTIAN! And stand firm on it!"

"Ang mga napanghihimasukan ni Satanas ay yaong mga walang takot at hindi
mapagpigil."

"If you recognize the goodness of your Creator, the first thing you will
do is give thanks."

"Ang mga taong mahal ng mahal mo, pag-aralan mo ring mahalin."

"Ang tinuturuan ng Dios ay siyang nakakakilala ng pag-iisip ng Dios."

"A Lifetime is not enough to serve the greatness of the LORD!"

"Punuin mo ang araw mo ng mabubuting gawa.. mula sa pagkagising sa umaga
hanggang sa pagtulog sa gabi."

"May mga salitang hindi mo agad dapat sabihin."

"THE HEART IS A SACRED THING FOR A CHRISTIAN. Not everything you see
must be kept inside it. Hindi lahat ilalagay sa puso at isip mo, there
are more important things to be put there than gossip."

"Maging mapagpataan tayo sa mga nagkakasala sa atin, huwag yung
itatakwil natin sila agad."

"Karamihan ng masarap sa laman ay labag sa Dios."

"Gamitan natin ng panahon ang salita ng Dios. Hindi tayo magsisisi,
dahil magagamit natin ito hanggang sa walang hanggan."

"Gusto mo mang gumawa, pero hiwalay naman tayo kay Kristo wala tayong
magagawa."

"Ang kuwento ni Lazaro at ng mayaman ay nagpapakita ng Hustisya ng
Dios."

"Bago mo turuan ang iba, turuan mo muna ang iyong sarili. Ikaw muna ang
dapat kakitaan ng pagkatuto."

"Ang isang lider dapat alam kung saan sya patutungo at malaman din ng
mga inaakay nya kung saan sila patungo."

"Kung lingkod ka ng Dios, dapat ay nandoon ka kung nasaan S'ya."

"Kung mayroon kang problema, sa gabi, sa panalangin mo itangis mo lang
yan sa Dios"

"Ang Kristianohindi talaga yan pinapansin ng mga taga labas."

"Hwag nating hayaang maimpluwensyahan tayo ng maliliit na lalang ng
demonyo, patayin natin yon! Ang nagnanakaw ng piso, magnananakaw na yan
ng P100. Akala ng iba, ang pag-umit ng ballpen ay maliit na bagay lang
darating ang oras mahigit pa sa ballpen ang kukunin nyan."

"Tuwing tatayo tayo sa harap ng mga kapatid para umawit, dapat hindi
tayo motivated na para maging sikat ka, o para hanapin ang crush mo, o
dahil sa may nakakakita, o para lang sa kung ano mang bagay. Dapat
motivated tayo ng FAITH na ang ginagawa nating iyon ay magdadala sa
atin sa kaligtasan."

"Gusto nyong maging perpekto tayo? Ibigin natin ang ating mga kaaway
pag nagawa natin ito, magiging anak tayo ng Ama sa langit."

"What your flesh can do, in one way or the other, can influence your
spiritual life."

"Ang paghatol, gawa ng Dios yan para i-check din natin ang ating mga
sarili."

"The lesser you ask for yourself and the more you ask for others, the
more God listens to you."

"Ang isang taong nagtatagumpay ay hindi umaayaw."

"Are we concerned? Are we helping God with His plan to win souls?
Hanggang ngayon ay nagtatayo si Kristo, dapat kasali tayo."

"Lahat may kanya-kanyang kahinaan."

"Pag hindi tayo hahatol, hindi tayo karapat-dapat sa buhay na walang
hanggan."

"Sa panonood natin ng mga palabas (movies), tignan natin sa ibang
perspective, ibang aspeto. Tignan natin kung papaano ito makakatulong sa
paglilingkod natin."

"May mga nakasulat sa langit na wala sa Bibliya."

"Dapat maramdaman mo ang buhay na natatapos para ma-appreciate mo ang
buhay na hindi natatapos."

"Ang ginagalaw ni Satanas ay ang mga lingkod na hindi nag-iingat ng
kanyang sarili."

"Ang mga natitisod, hindi nagpapahalaga at umiintindi sa katwiran ng
Dios."

"Ang isang lingkod ng Dios ay bilanggo sa paglilingkod sa Dios."

"Ang lagi nating isipin ay kung papaano mapapadali ang ating mga
paglilingkod, kung papaano tayo magiging sakdal."

"Pag mataas ang morale mo, Ganado ka sa paggawa ng tungkulin, inspired
ka, pero dapat tama ang inspiration mo si Kristo."

"Ang isang lingkod ng Dios, dapat maging isang DEFENSIVE DRIVER. Para
pag may nakakasalubong kang reckless driver, alam mo kung saan dadalhin
yung manibela."

"Ano pa ba ang hinahanap natin? Boyfriend? Asawa? Kayamanan? Sabi sa
Bibliya hanapin muna ang Kanyang kaharian at Katwiran at bahala na Siya
sa magdagdag ng ating mga kailangan. Di baleng maiwan tayo sa biyahe,
bastat mayroon tayong katwiran."

"Bigyan natin ng buong debusyon ang buhay na walang hanggan."

"God expects us to finish a course. WE HAVE A RACE TO FINISH. Nakatakda
na yung dapat nating takbuhin."

"Pagkampi sa masama ang paghinto sa paggawa ng mabuti."

"Makikita natin ang kagandahan ng pagtatrabaho o ng ating mga ginagawa
kung gagawa tayo AS A TEAM, hindi basta lang may kasama."

"Yung may diwang tapat, nagtatakip yun, di yun naninirang puri, hindi
naghihiwalay ng kaibigang matalik."

"You can use your own strategies, intelligence, abilities, your time,
and your heart in obeying Gods law."

"Tuparin natin ang tungkulin natin na pagiging ASIN NG SANLIBUTAN
MANGHAWA TAYO! Anak ka? Paalatan mo mga magulang mo. Asawa ka? Paalatan
mo asawa mo. Impluwensyahan natin yung mga malalapit na tao sa tin. Alam
mo kung ano ang magagawa ng impluwensya mo sa kanila? Magagawa mong
PURIHIN NILA ANG DIOS NA NASA LANGIT!"

"Sa lahat ang iyong gagawin, isipin mo ito, "Ang ginagawa ko bang ito ay
para sa buhay na walang hanggan, o para sa sariling kapakanan ko lang?""

"Tinawag ka para ipakisama kay Kristo, hindi para sa kung sino pa man."

"Dapat marunong tayong magpigil ng ating mga pagsasalita upang maiwasan
ang pagkapahamak."

"Kahit na nahihirapan, ang pag-asay maiibsan ito, bastat pumikit ka lang
at humingi ng tulong sa Dios"

"Tayo na lang ang may kasalanan kung hindi tayo maliligtas. Ang aral
kasi very elaborately written."

"Ang isang tunay na lalaki ay hindi umaatras sa pakikipagbaka sa
katwiran."

"Huwag tayong mabalisa, may Dios na nagmamalasakit sa atin, at
Espiritung tutulong sa atin."

"Kung ikaw, alagad, makakagawa ka din ng alagad, sa pamamagitan ng
pagpapakita sa kanila ng pagbabago sa iyong sarili."

"Ang awa ng Dios hindi nauubos para sa Kanyang mga anak, pero hwag naman
nating aabusuhin."

"Huwag nating hayaang magkaroon tayo ng tatak ng pagiging masama."

"May nagkasala mang isang kapatid sa Iglesia, hindi pa rin nababawasan
ang totoo sa Iglesia."

"Sa pagtitiis natin, nagiging kabahagi tayo sa hirap ni Hesus."

"LET US POLICE OUR OWN RANKS! Tignan natin ang mga sarili natin baka
naaabuso na natin ang mga tungkulin natin"

"We are the master of our faith and the captain of our soul."

"Masama ang tukso, pero paraan ito upang "patibayin ang dibdib" ng isang
naglilingkod sa Dios."

"LET US RUN FOR A CAUSE! That is, for the cause of the Gospel of God!"

"Kung nagbabata kang gaya ng isang Kristiano itinatakwil ka,
kinasusuklaman, inaalimura. HWAG KANG MAHIYA! Kung mga tao sa labas,
hindi nahihiyang gawin yung mga masasamang gawain, mas lalong HINDI
NATIN DAPAT IKAHIYA ANG PAGSUNOD SA ARAL NI KRISTO!"

"Commintment is the enemy of resistant."

"Mahal ng Dios ang nagtitiwala sa Kanya."

"Tatandaan nyo itong palagi mga kapatid, wag nyong babanggitin ang
pangalan ng Dios sa walang kabuluhan, maging sa pagkanta, dapat kung
kasama ang pangalan ng Dios, dapat totoo yung, isa-puso natin ito."

"Itago mo ang kabutihang nagagawa mo at ihayag ang mga masasamang gawa
sa mga kapatid."

"Magkusa kang sumunod yung ang ihahatol e, hindi yung ipinilit sayong
gawin mo."

"A hurting person needs a helping hand, not an accusing finger."

"Kung gagastusan natin ay si Kristo, hwag tayong maghinayang. Espiritual
yun e, it pertains to something Heavenly.."

"Isipin mo na kaya ka nahihirapan ngayon dahil may mas mabuting bagay na
nag-aantay sayo sa langit."

"Your thoughts determine your destiny."

"Dapat kahit pawis na pawis ka na, ok lang! Basta TAKBO LANG TAYO!"

"Kung kukuha ka ng isang bagong bagay na gagawin, siguraduhin mong yung
bagay na hawak mo ngayon ay nagawa mo na ng maayos.. hindi yung iiwanan
mo kung ano yung ginagawa mo ngayon tapos hahanap ka pa ng bagong
gagawin. Hindi mo rin iyon magagawa ng maayos, ayusin mo muna kung ano
yung tungkuling hawak mo ngayon, bago ka maghanap ng bago. Kung gusto
mong makahakbang sa mas mataas na baitang, ayusin mo muna yung mga
baitang na nasa ibaba."

"Ang paglilingkod sa Dios, dapat matalino ka, kasi gumagamit ng
katalinuhan ang kaaway, gumagamit siya ng deception."

"Pagnakarating ka na sa finish line, dun mo lang masasabing ligtas ka
na..."

"Ang PANG-UNAWA, isa sa mga pinakamahalagang bagay sa buhay. Pag nakuha
natin ang pang-unawa sa salita ng Dios, hindi na mahirap unawain ang
ibang mga bagay."

"Maging tapat tayo sa kapwa kapatid natin sa Iglesia"

"Ang mga huling araw pinaka critical na panahon sa paglilingkod sa
Dios."

"You are what you think. Pag iisipin mong mahina ka, manghihina ka
talaga nyan."

"Ang bagay na hindi mo naiitindihan, hindi mo magagawa."

"Kahit mahirap ang tao, hindi gagawa ng masama kung may takot sa Dios."

"Natutuwa ang Dios sa mga lingkod na bagamat nahihirapan sa pagtupad,
tapat paring sumusunod at natitiis."

"Sa Iglesia, Malaya tayo pero MAY LIMITASYON. Hindi ito pwedeng gamitin
upang bigyang daan ang laman."

"Kung may kinalaman sa kaluluwa, wag tayong manghinayang na gumugol."

"Nagiging mabuti ang paggawa natin ng utos ng Dios kung ginagawa natin
ito ng walang kapaimbabawan. Gawin natin sa pag-ibig ang pagsunod! Kahit
na utos yang ginagawa mo, pero may kapaimbabawan din, masama rin yan. Di
rin yan maituturing na mabuti sa harapan ng Dios."

"Dapat busy tayo sa paghahanap ng paraan para mas maraming maligtas."

"Ang nag-iingat ng kanyang sarili, hindi ginagalaw ng masama at hindi
maaaring mahiwalay."

"Kaya lang nagiging mahalaga ang buhay kapag ginagamit mo ito sa
paglilingkod sa Dios."

"God is fair to everybody even to those who doesnt recognize His being."

"Hindi masamang mag-designate ng trabaho ang lider, pero dapat may
supervision pa rin."

"Ang alagad ni Kristo NAGPAPATULOY SA ARAL."

"As long na may tinitiis ka at mapagtiisan ito hanggang sa huli, malaki
ang iyong chance sa kaligtasan."

"Kung mananampalataya ka at may pag-ibig na nasa iyong puso, may buhay
na walang hanggan na sa iyo."

"Para kaawaan ka, mag-iwan ka muna ng iyong mga kasalanan."

"Upang huwag tayong masumpa ng Dios, hwag tayong magkakaroon ng masamang
budhi sa kapatid, hwag nating ku-kwestyunin ang Katuwiran Niya."

"Lahat ng tao nagkakasakit, pero pwedeng magbigay ang Dios ng
konsiderasyon sa Kanyang mga anak."

"Hindi very smooth ang daan ng kaligtasan, hindi madaling makarating sa
langit. Marami kang masasalubong along the way, pero tuloy lang"

"Sino yung makukuha ni satanas? Eh di yung tutulug-tulog sa pansitan!
Yung hindi cautious."

"Ang pagiging kay Kristo, ipinahahayag ng ginagawa ng isang grupo."

"WALANG MAKUKUHANG MABUTI SA KAYABANGAN!"

"Sa tingin pa lang maipapakita mo na ang pag-big mo sa kapatid."

"Kumampi tayo sa katuwiran, hindi sa kamag-anak."

"Hindi tungkulin ang may kailangan sa atin kundi tayo ang
nangangailangan ng tungkulin upang maligtas."

"We must always be progressive in faith. Papaano? Idagdag natin ang
kagalingan sa pananampalataya, maging magaling tayo sa pag-awit kung
tayo ay mang-aawit."

"Napakasama ng tao kung mula sa pagkaunawa nito ay lilipat pa sa mali"

"Ang paglilingkod parang basketballMARAMING PANG-ASAR. Tuloy lang
kapatid, takbo lang! hinahanap sa atin ng Dios yan."

"Ang JOY na nararamdaman pag nagkikita-kita ang magkakapatid ay ang
KATUNAYANG KAPATID KA TALAGA!"

"Hindi tayo dito nagpapagalingan tungkol sa mga bagay ng sanlibutan, sa
kapatiran hindi payamanan o patalinuhan, dapat may pag-ibig sa pagsasama-sama."

"Ang mga taong kasama natin sa paglilingkod, pag-aralan nating matanggap. Kahit na siguradong may makikita tayong pangit, hanapin natin ang mas maganda sa kanya at isiping mas magaling sa atin ang ating kapatid. Sa paggawa nito, tinatanggap na rin natin and Dios na tumawag sa kapatid na ito gayon din sa atin....."

".....Lahat ng ating gagawin, dapat disiplinado ng pag-ibig.""

"Walang kwenta ang simula kung hindi tatapusin. Lahat ng pinasimulan mo ng mabuti, ituloy mo MAY AWA ANG DIOS!"

"Nagtitiis ka man, kung mali naman ang motibo, wala ring kwenta.. dapat
lahat ng gagawin mo contributory factor para sa ikaliligtas mo, hindi dahil sa kung ano pa man."

"Huwag tayong matatakot kung ginagawa naman natin ang pinagagawa sa atin ng Dios."

Bro. Eli Soriano
Bro. Eli Soriano

WORDPRESS LINK